Pormal ng umupo bilang bagong representante ng Anak Mindanao Party List si Congresswoman Amihilda Julsadjiri Sangcopan.
Nanumpa ito noong December 20, 2017, kay Barangay Captain Victor D. Bernardo ng Brgy. Culiat, Tandang Sora Quezon City .
Pinalitan ni Congresswoman Sangcopan, bilang third nominee, ang nag bitiw na maybahay ni ARMM Governor Mujiv Hataman na si Congresswoman Sittie Djalia Hataman noong nakaraang taon.
Si Congresswoman Sangcopan ay dating Chief of Staff ni Gov. Hataman at nagsilbi din bilang kalihim ng DAR ARMM .
Nagsilbi rin ito bilang Chief Political Affairs Officer ng Anak Mindanao, Chief Political Affairs Officer ni Rep. Tupay T. Loong ng 1st Legislative District ng Sulu, Deputy Executive Director of the National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), at consultant ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).
Si Congresswoman Sangcopan ay registered nurse at nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing sa Western Mindanao State University, Zamboanga City at nagtapos bilang Cum Laude . Nakapag aral rin ng Bachelor of Laws.
Nangako naman ang kongresista na gagawin ang lahat ng kanyang makakaya para mapagsilbihan ang kanyang mga kababayan.
Makakasama ni Cong. Sangcopan ang dati ring kalihim ng DAF ARMM at kasalukuyang kongresista ng AMIN na si Cong. Macky Mending.
Congresswoman Sangcopan nanumpa na sa AMIN
Facebook Comments