Consolidated map ng mga evacuation center, inilabas ng Google

 

Naglabas ng consolidated map ang Google na nagpapakita ng lugar ng mga evacuation center para sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal.

 

Kabilang dito ang ilang paaralan sa Nasugbu, Balayan, Tuy, Calaca, Lian at Calatagan sa Batangas.

 

Kasama rin ang mga barangay hall at covered court sa San Luis, San Pascual, Cuenca, Mataas na kahoy, Mabini, Alitagtag at Bauan.


 

Mayroon din evacuation center sa Malvar, Sta. Teresita, Sto. Tomas City, Tanauan City, Ibaan, Padre Garcia, Taysan at San Jose, Rosario, Tagaytay City, Batangas City, Lipa City at Cavite.

 

Para mahanap ang map, magtungo lamang sa google.com at pagkatapos ay i-click ang “evacuation centers for the taal eruption”

 

Umaasa ang google na magagamit ito hindi lamang ng mga evacuees kundi maging ng mga nagbibigay ng tulong.

Facebook Comments