Consolidation ng tourism services sa bansa, iniutos ni Pangulong Marcos sa mga ahensya ng pamahalaan

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga tanggapan ng pamahalaan na pagsama-samahin o gawing iisa ang tourism services ng Pilipinas.

Sa pulong sa Malacañang kasama ang tourism sector ng Private Sector Advisory Council (PSAC), binigyang diin ng pangulo na sa pamamagitan ng consolidated tourism services magiging mas competitive ang bansa sa global tourism market.

Sa Pilipinas aniya kasi ay kailangan pang ayusin ng mga turista ang kanilang sariling hotel, tour guide, driver, at iba pa.


Ayon kay Pangulong Marcos, malaking bagay kung madali para sa mga turista ang pag-book ng kanilang hotel accommodation, flight, tourist guide, driver, at iba, tuwing bibisita sa bansa.

Bukod dito ay inatasan din ng pangulo ang Department of Tourism (DOT) na tingnan ang sports development para mapaunlad ang turismo.

Facebook Comments