CONSTITUENT ASSEMBLY | Kamara, nagsolo na sa pagtalakay sa draft ng federal constitution

Manila, Philippines – Iginiit ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez na trabahong Constituent Assembly na ang ginagawa ngayon ng Kamara para sa charter change.

Katwiran dito ni Benitez, hindi naman sinasabi ng Konstitusyon na kailangang mag-convene nang sabay ang Kamara at Senado para mag-CONASS.

Tinitiyak naman ng kongresista na buhay na buhay ang chacha at pagtitibayin ng Kamara ang federal constitution ngayong 17th Congress.


Aaprubahan nila agad ang federal constitution para mai-akyat ito sa Senado sa lalong madaling panahon.

Samantala, nilinaw naman ni House Constitutional Amendments Committee Chairman Vicente Veloso na mananatili naman ang Bise Presidente sa line of succession sa ilalim ng Federal Constitution.

Paliwanag ni Veloso, inaalis lamang ang Ikalawang Pangulo sa tatlong taong transition period para matiyak ang katatagan ng pamamahala sa buong bansa sa panahon na nagpapalit ng sistema ang gobyerno.

Inaasahan naman na ratipikado na ang chacha sa May 2019 pero sa panahong ito ay hindi pa magiging malinaw kung sino kina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos ang mananatili sa kanilang protesta sa Presidential Electoral Tribunal.

Dahil dito mas mabuti na ang Senate President na ang maging siguradong sasalo ng kapangyarihan mula sa Presidente sakaling may mangyari dito sa loob ng transition period.

Facebook Comments