CONSTITUTIONAL CRISIS | Bagong talagang OCD Director Faeldon, hindi pinayagang lumabas para manumpa

Manila, Philippines – Hindi pinayagan ni Senador Richard Gordon si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na lumabas ng Senado para manumpa bilang Deputy Administrator ng Office of Civil Defense (OCD).

Ayon kay Gordon, ito ay para maiwasan ang constitutional crisis dahil maaaring gamitin ni Faeldon ang kanyang posisyon para makalaya sa pagkakadetine sa senado.

Sinabi pa ni Gordon na isa lamang ito sa iba pang kahilingan ni Faeldon kung saan nais din nitong makadalo sa Traslacion ng itim na Nazareno.


Pero giit ng senador na magiging mapanganib sa opisyal na dumalo sa Traslacion at hindi rin matitiyak ng Office of Sergeant-At-Arms ng senado ang kaligtasan nito sa iba pang deboto.

Una na ring iminungkahi ni Gordon na maaari ring isagawa ni Faeldon sa senate premises ang kanyang panunumpa bilang deputy administrator ng OCD at maaari namang siyang dumalo sa mga misa sa Senado.

Facebook Comments