Katawa-tawa para kay Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano ang banta ni Vice President Sara Duterte na constitutional crisis kapag patuloy na inimbestigahan ang pondo ng kaniyang tanggapan.
Ayon kay Valeriano, gasgas na ang panakot na constitutional crisis na ilang dekada na nating naririnig pero hindi nangyayari.
Giit ni Valeriano, magkakaroon lang ng constitutional crisis kapag si VP Sara at ang kaniyang mga kampon ang gagawa ng gulo na mas grabe pa sa tangkang sedition ng mga taga-KOJC na nanawagang mag-resign si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ibagsak ang kaniyang administrasyon.
Para kay Valeriano, ipinakita muli ni VP Sara ang totoong maruming kulay nito sa pag-atake at pagsasabing hindi marunong maging presidente si PBBM.
Dismayado si Valeriano na nakaupo pa si Pangulong Marcos at wala pang 2028 pero pumupustura at naghahanda na si VP Sara para maging pangulo ng bansa.