Kukwestiyunin ng makabayan bloc sa Korte Suprema ang constitutionality ng $62 Million na Chico River Pump Irrigation Loan Agreement sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ayon kay anakpawis party-list rep. Ariel Casilao, sa susunod na linggo nila ihahain ang declaratory relief petition sa Korte dahil naniniwala silang mabigat at mapagsamantala ang proyekto.
Mayroon aniyang delikadong mga probisyon ang kasunduan na maaaring magresulta sa pagbenta sa soberenya ng bansa.
pag-aaralan din ng mga mambabatas sa oposisyon ang pagkuwestyon sa iba pang proyektong pinondohan sa pamamagitan ng official development assistance mula sa ibang bansa.
Hinimok naman ni Act Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio ang pamahalaan na isapubliko ang lahat ng kontratang pinasok ng Pilipinas sa ibang mga bansa dahil maging ang Sri Lanka at Ecuador ay nabiktima umano ng patibong ng China sa pautang.