Construction companies sa bansa, hinimok ang publiko na tangkilin ang lokal na produkto

Hinimok ng ilang construction companies ang publiko na tangkilikin ang mga lokal na produkto ng bansa sa gitna ng nararansang COVID-19 pandemic.

Ito ang tugon ng Pioneer Float Glass Manufacturing Inc. (PFGMI), Puyat Steel Corporation (PSC) At Sonic Steel Industries Inc. (SSII) Sa Cement Manufacturers’ Association Of The Philippines (CEMAP) At Philippine Iron And Steel Institute (PISI) sa panawagan ng gobyerno para masigurong balanse ang pagresponde sa pandemya at panatilihing buhay ang ekonomiya.

Ayon kay PSC Executive Vice President Eugenio Puyat II, sinusuportahan nila ng buo ang programa ng gobyerno na iprayoridad ang pagbili sa mga Philippine manufactured products at construction materials para sa imprastuktura at mga public works projects.


Sinabi naman ni PFGMI President at CEO Paul Vincent Go na nakikiisa rin sila sa pagsuporta sa domestic demand para sa institutional, industrial at residential glass products.

Anila, layon nito na mapanatili ang pagbibigay ng trabaho sa mga pilipino at makabangon ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng COVID-19.

Makakatulong din ito na madagdagan ang buwis na kita ng gobyerno at makakatiyak ng “multiplier effect” kapag ang mga lokal na produkto ang tinatangkilik sa bansa.

Facebook Comments