CONSTRUCTION AT MANUFACTURING WORKERS SA PANGASINAN, NAGSIMULA NG BAKUNAHAN KONTRA COVID-19

LINGAYEN, PANGASINAN – Nagsimula ng bakunahan sa lalawigan ng Pangasinan ang kabilang sa hanay ng Construction and Manufacturing sector kung saan ay pinangunahan nina DOLE Secretary Silvestre Bello III at TESDA Secretary Isidro LapeƱa ang launching ng COVID-19 vaccination roll-out para sa construction workers.

Ginanap naman ang roll-out ng pagbabakuna sa Provincial Training Center II na target naman mabakunahan ang 12,000 na mga manggagawa sa konstruksyon.

Ang pagbabakuna ay naging posible sa pakikipag ugnayan ng Pangasinan Constructors Association sa mga opisyal ng Department of Labor and Employment – Western Pangasinan, Pangasinan Provincial Government, at sa Provincial Health Office para isapinal ang gagawing vaccination roll out dito.


Inaasahan naman na sa pagsisimula nito ay maraming indibidwal sa naturang sector ang mahikayat na magpabakuna at magkaroon ng dagdag proteksyon mula sa sakit.###

Facebook Comments