Magbibigay ng housing assistance ang pamahalaan sa mga residenteng nawalan ng tirahan dahil sa pananalasa ng Bagyong Egay.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng pagtiyak na may “emergency support” na nakalaan para sa mga apektadong residente.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 21,978 na bahay ang napinsala ng Bagyong Egay.
Sa ngayon ay tinutukoy na ng gobyerno ang mga bahay na napinsala, para malaman kung ano ang matutulong sa mga naapektuhan gaya ng pagbibigay ng construction materials o tulong mga pabahay sa mga tuluyang nawalan ng tahanan.
Nagsasagawa na rin ng imbentaryo sa mga public schools na sinalanta para maisaayos agad bilang paghahanda sa bagong school year sa susunod na buwan.