Construction ng mga COVID-19 facilities sa bansa, patuloy!

Tiniyak ng Department of Public Works and Highway na tuloy – tuloy ang pagpapatayo ng mga isolation facilities sa bansa.

Kasunod na rin ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila kay DPWH Build, Build, Build Committee Chairperson Anna Mae Lamentillo, sa mga susunod na tatlong linggo, target nila na maipatayo ang nasa 50 COVID-19 facilities sa bansa.


Sa ngayon ay on-going ang construction ng labing isang health facilities sa Region 7 habang labing lima sa Eastern Visayas.

Patuloy rin ang site validation ng DPWH Regions 9, 10, 12 at 13 para makahanap ng pagtatayuan ng additional quarantine facilities.

Tiniyak din ni Lamentillo na nasa 40 percent pa lang ng bed capacity ang nagagamit sa Metro Manila.

Facebook Comments