Construction ng Ortigas Avenue Station ng Metro Manila Subway Project, sinimulan na ngayong araw

Tuloy na tuloy na ang pagpapatayo ng Ortigas Avenue Station ng Metro Manila Subway Project dito sa Pasig City.

Sa pagtatanong ng DZXL News kay kay DOTr Acting Sec. Banoy Lopez, 95 percent nang naresolba ang isyu sa right of way na siyang huling isyu na humahadlang sa pagpapatayo ng naturang istasyon.

Ang construction ng Ortigas Avenue station ay ilang taon na ring naantala dahil sa naturang problema.

Pero ngayong araw ay inumpisahan na ang paggiba sa mga istruktura sa lugar na pagtatayuan ng isa sa pinakamalaking istasyon ng subway project sa buong Metro Manila.

Ang Ortigas Station ay inaasahang makakapagserbisyo sa tinatayang 96,000 pasahero kada araw.

Facebook Comments