Construction projects ng Pilipinas sa West Philippine Sea, nagpapatuloy – Lorenzana

Nagpapatuloy na ang mga construction project sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, kabilang dito ang pagkakaroon ng monitoring stations para sa Spratly’s islands.

Kasama rin sa mga isinasaayos ay ang Parola, Kota Island, Lawak Island, Ayungin Shoal, Patag at Panata na pagtatayuan din ng mga barracks at helipad.


Bagama’t tapos na ang kontruksyon sa Pagasa Island, sinabi ni Lorenzana na pagtatayuan pa ito ng fuel depot.

Matatandaang una nang tiniyak ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang pagpapaunlad sa marine research efforts ng bansa kung saan kabilang ang mga itatayong daungan at paliparan na malapit sa WPS.

Mas marami namang barko mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pa ang ipapadala sa WPS sa 2022.

Facebook Comments