Construction Worker, Arestado Dahil sa Hawak na Baril Habang Nagmamaneho ng Motorsiklo!

39

Roxas, Isabela – Arestado kaninang madaling araw ang isang construction worker matapos makita ng mga pulis na nagpapatrolya na may hawak na baril habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. Munoz East, Roxas, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Hector Vicente Domrigue, apatnaput dalawang taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Camaal, Quirino, Isabela.

Ayon kay Police Chief Inspector Angelbert Bunagan, hepe ng Roxas Police Station na nasa impluwensya ng nakalalasing na alak si Domrigue nang makuha sa pag-iingat nito ang caliber 38 na may dalawang bala.

Aniya sa ngayon ay nakakulong na si Domrigue habang inihahanda na ang kasong paglabag nito sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

Facebook Comments