Construction worker, arestado matapos makuhaan ng baril at mahuling walang suot na face mask sa Las Piñas City

159

Hinuli ng mga tauhan ng Las Piñas City Police Station ang isang construction worker matapos makuhaan ng baril at mahuling walang suot na facemask sa kahabaan ng River Drive, Pamplona Dos, Las Piñas City.

Kinilala ang naaresto na si Jose Dante, 38-anyos, residente ng Real Street, Pulanglupa Uno, Las Piñas City.


Sa ulat, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga pulis nang mahuli ang suspek dahil walang suot na facemask at makuhaan ng isang Caliber .45 pistol at isang magazine loaded ng limang live ammunitions.

Sa ngayon, nahaharap na ito sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 10951 at paglabag sa ordinansang Mandatory Wearing of Face Mask.

Facebook Comments