CONSTRUCTION WORKER, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION

Arestado ang isang construction worker sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. 51-B, Nangalisan matapos makuhanan ng hinihinalang shabu.

Ang suspek ay isang 38 anyos at residente ng Lingayen, Pangasinan. Nasamsam sa operasyon ang 5.1 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 34,680.00 at ilang drug paraphernalia.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments