
Arestado ang isang 38 anyos na construction worker mula Malasiqui matapos mahulihan ng 0.7 gramo ng pinaghihinalaang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng San Carlos City Police Station (CPS) dakong 2:10 hanggang 3:00 ng madaling-araw, Nobyembre 24, 2025.
Ayon sa pulisya, nahuli ang suspek matapos tanggapin ang marked money kapalit ng ipinagbibiling droga.
Narekober sa operasyon ang 0.7 gramo ng pinaghihinalaang shabu may Standard Drug Price (SDP) na 4,760 pesos at iba pang ebidensya.
Isinagawa on-site ang imbentaryo at pagmamarka ng mga ebidensya sa presensya ng mga mandatory witnesses, alinsunod sa batas, at ng mismong suspek.
Dinala na ang suspek sa San Carlos CPS para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso na may kinalaman sa iligal na droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









