Construction Worker, Arestado sa Ikinasang Oplan Bakal ng Santiago City Police Station 1!

Santiago, City- Arestado ang isang construction worker matapos mahulian ng kutsilyo sa ikinasang Oplan Bakal ng Santiago City Police Station 1 sa isang Resto Bar sa Brgy. Mabini, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Amor Seculles, 29 anyos, walang-asawa, Construction Worker at residente naman ng Bugnay Diadi, Nueva Viscaya.

Batay sa ibinahaging impormasyon ni Police Chief Inspector Rolando Gatan, ang hepe ng Santiago City Police Station 1 ay nagsagawa umano sila ng pagsisiyasat sa naturang Bar kaugnay sa kanilang ipinapatupad na Oplan bakal na naging dahilan ng pagkaka aresto ni Seculles.


Samantala, nakuha naman mula sa pag-iingat ng suspek ang isang kutsilyong may sukat na mahigit kumulang labing limang pulgadang haba kaya’t agat itong dinala sa himpilan ng kapulisan para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments