Construction Worker, Arestado sa Kasong Act of Lasciviousness

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang Construction Worker matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto nito sa kasong Act of Lasciviousness bandang pasado alas dos ng hapon kanina sa Brgy. Gucab, Echague, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Alfonso Dela Cruz, 45 anyos, may asawa at pawang residente sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Echague, pinangunahan ni P/Maj. Darwin John Urani ang pagsisilbi ng warrant of arrest ni Dela Cruz matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Michelle Gumpal-Videz ng MTC Echague Isabela na may petsang Nobyembre 26, 2019 sa ilalim ng criminal case no. 8005.


Sa huli ay nakapagpiyansa rin ang nasabing akusado na nagkakahalaga ng kabuuang (P12,000.00)

Facebook Comments