CONSTRUCTION WORKER, ARESTADO SA KASONG ATTEMPTED HOMICIDE SA DAGUPAN CITY

Arestado ang isang construction worker sa isinagawang operasyong ng hanay ng pulisya sa Dagupan City.

Kinilala ang akusado na kabilang sa wanted person ng kapulisan.

Naaresto ang akusado sa bisa ng isang warrant of arrest kung saan nahaharap sa kasong Attempted Homicide at may inirerekomendang piyansa na nagkakahalaga ng nasa 36,000 pesos.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng pulisya para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments