CONSTRUCTION WORKER, ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA

CAUAYAN CITY- Hindi na makakapagtago pa sa batas tinaguriang top 7 provincial most wanted person matapos maaresto ng mga otoridad sa lungsod ng Santiago.

Kinilala ang suspek na si alyas “Anthony”, 49-anyos, at residente ng Brgy. Rizal sa nabanggit na lungsod.

Si alyas “Anthony” ay nahaharap sa tatlong bilang ng kasong statutory rape kung saan walang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay isinagawa ng mga tauhan ng pinagsanib na pwersa ng Mobile Patrol Unit at Police Station 2.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Police Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments