Construction worker, huli matapos mahulihan ng kutsilyo sa Muntinlupa

33

Muntinlupa City – Kalaboso ang construction worker, matapos mahulihan ng kutsilyo sa Purok 6 T. Molina Alabang, Muntinlupa City.

Kinilala ang suspek na si Ronie Binaday, residente ng Ilaya Street ng Barangay Alabang.

Batay sa report, mayroong isang lalaki tumatakbo sa lugar at hinahabol ng suspek.

Sakto namang may nagpapatrolyang pulis at dito napansin ang suspek hawak ang kutsilyo kaya binitbit sa istasyon ng pulisya.

Facebook Comments