Construction Worker, Huli sa kasong Attempted Homicide!

Tumauini, Isabela – Dinakip ang isang construction worker matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito pasado alas tres ng hapon sa Brgy. Lanna, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Angelo Galiza Anapi, bente sais anyos, may asawa at residente ng nabanggit na barangay.

Inaresto ng PNP Tumauini si Anapi matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si hukom Ramon Corazon P. Blanco ng MCTC Tumauini-Delfin Albano, Tumauini, Isabela dahil sa kasong Attempted Homicide.


Nasa himpilan na ng PNP Tumauini ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

May inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Anapi na nagkakahalaga ng P36,000.00.

Facebook Comments