Inaresto ng kapulisan ang isang 19-anyos na lalaki na sangkot sa kasong statutory rape sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.
Kinilala ang suspek bilang isang construction worker, senior high school graduate, at residente ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, dinakip ang lalaki sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng korte, na walang inirerekomendang piyansa.
kasalukuyan nang nasa kustodiya ng kanilang istasyon ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







