Construction Worker, Isinuko ang Baril Matapos Maaksidente

Cauayan City, Isabela- Dinakip pa rin ng pulis ang isang construction worker na naaksidente sa kahabaan ng brgy. Sto Tomas sa syudad ng Ilagan dahil sa pag-iingat nito ng illegal na baril.

Kinilala ang suspek na si Erwin Delos Santos, 30 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. Canapi, City of Ilagan, Isabela.

Una rito, habang pauwi sa kanilang bahay ang isang Patrolman ng Ilagan City Police Station, nakita nito ang isang lalaki sa view deck na may kahina-hinalang galaw kayat agad nitong nilapitan ng pulis upang tanungin kung ano ang ginagawa nito subalit agad na sumakay sa motorsiklo at sinundan naman ng pulis.


Nang makarating sa brgy Sto.Tomas ang pulis at suspek ay aksidenteng bumangga sa kalsada ang suspek.

Dito na kusang isinuko ng suspek ang dalang baril na Caliber 38 na may kasamang tatlong (3) bala.

Dinala ang suspek sa Ilagan City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments