Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang construction worker ng isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest nito sa Bayan ng Solana, Cagayan.
Kinilala ang akusado na si alyas ‘Jaycee’, 28-anyos at residente ng Brgy. Andarayan South, Solana, Cagayan.
Inaresto ang akusado matapos ang ihain sa kanya ang warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang-galang Pablo M. Agustin ng RTC Br. 4 Tuguegarao City na may petsang October 2, 2013 para sa kasong RA 9262 na kasama ang Psychological Abuse.
Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapagpiyansa ng halagang P24,000
Muli namang ipinanawagan ng pulisya na patuloy ang gagawing kampanya ng mga otoridad para sa ikadarakip ng mga kriminal.
Facebook Comments