𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗥𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗛𝗔𝗦𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Cauayan City – Nakorner ng mga awtoridad ang isang construction worker na wanted sa batas, sa Baluarte Sports Complex, Santiago City, Isabela.

Ayon sa ulat mula sa Nueva Vizcaya Provincial Police Office, ang suspek ay kinilalang si alyas “Oka”, 29 anyos, residente ng Brgy. Buenavista, Bayombong, Nueva Vizcaya, at itinuturing bilang Top 2 Most Wanted Person sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Sa bisa ng warrant of arrest at sa pagtutulungan ng Nueva Vizcaya Provincial Intelligence Unit, kasama ang Bayombong PS at Santiago City Police Office, tagumpay na naaresto ang suspek dahil sa kasong Statutory Rape na kinahaharap nito.


Samantala, dahil walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan, pansamantalang dinala sa kustodiya ng Bayombong PS ang suspek para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments