Construction Worker na Wanted sa Batas, Arestado!

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang construction worker na Top 1 Municipal Level sa kasong Pagpatay matapos itong madakip bandang 11:45 kaninang umaga sa Brgy. Poblacion 3, Sta. Maria, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Tony Segismundo, 26 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMAJ. Rey Tad-O, Hepe ng PNP Sta. Maria, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kanilang asset na umuwi ang akusado sa kanilang tahanan sa nasabing bayan at nang kanilang beripikahin ay positibo ngang nasa lugar ito kaya’t agad na nagtungo ang kanilang grupo at isinilbi kay Segismundo ang mandamiento de aresto nito na ipinalabas ni Kagalang-galang hukom Felipe Jesus Torio II, Executive Judge, Regional Trial Court, Cabagan, Isabela para sa kasong pagpatay sa ilalim ng Criminal Case No. 22-4068.


Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng nasabing akusado.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan si Segismundo para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments