Construction Worker na Wanted sa Batas, Nadakip sa Antipolo City, Rizal

*Cauayan City, Isabela-* Nadakip ng mga otoridad ang isang construction worker sa Vista Grande, Sumulong Highway, Brgy. Sta Cruz, Antipolo City na nagtago sa batas ng matagal na panahon matapos isagawa ang manhunt operation at itinuturing na Top 2 Most Wanted Person Municipal Level.

Kinilala ang akusado na si Ricky Saut, 33 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Songsong, Gamu, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Gamu, matapos ang masusing koordinasyon sa Antipolo Police Station at sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay ay tuluyan ng naipasakamay ng mga otoridad si Saut matapos magpalabas ng warrant of arrest si kagalang-galang hukom Isaac De Alban ng RTC Br.16 Ilagan City para sa kasong Robbery with Rape sa ilalim ng Criminal Case No. 8951.


Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa kalayaan ng akusado.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang akusado matapos maaresto sa Lungsod ng Antipolo bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments