CONSTRUCTION WORKER, NAHULIHAN NG HALOS PITONG GRAMO NG SHABU SA BUY BUST OPERATION SA ALAMINOS CITY

Umaabot sa halos pitong gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang trentay sais anyos na construction worker sa ikinasang Buy Bust Operation sa Alaminos City.
Ang suspek ay nakilalang si Jerwin Peralta residente ng bayan ng Sta Barbara.
Ikinasa ang Buy Bust Operation laban sa suspek pasado ala una ng Hapon sa Barangay Palamis na nagresulta sa pagkakakumpiska ng limang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 6.7 grams at nagkakahalaga ng mahigit ₱45k.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments