CONSTRUCTION WORKER, NAKORNER SA CHECKPOINT MATAPOS MAGNAKAW NG MOTORSIKLO

CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang 48-anyos na lalaki matapos tangayin ang isang motorsiklo sa Brgy. Magsaysay, Cordon, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Bryan”, walang asawa, at residente ng Brgy. Paredez, Diffun, Quirino habang ang biktima ay isang 32-anyos, at residente ng Brgy. Anonan sa nasabing bayan.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo sa gilid at naiwan nito ang susi sa kanyang motorsiklo nang bigla na lamang pinaandar ng suspek ang motorsiklo at humarurot papuntang Diadi, Nueva Vizcaya.


Kaagad itong nag-report sa mga otoridad at agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation.

Ilang sandali lamang ay nakatanggap ng tawag ang mga otoridad mula sa checkpoint personnel hinggil sa pagkakasukol sa nawawalang motorsiklo.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cordon PS, kasalukuyang nakapiit ang suspek sa kanilang himpilan at inaantay na lamang ang commitment order bago ilipat sa BJMP.

Facebook Comments