CONSTRUCTION WORKER, NAKUHANAN NG LIMANG SACHET NG SHABU SA BUY BUST OPERATION SA VILLASIS

Aabot sa limang sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang construction worker matapos ang ikinasang buy bust operation laban dito sa bayan ng Villasis.
Ang suspek ay nakilalang si Reynaldo Cabacungan residente ng lalawigan ng Tarlac.
Ikinasa ang buy bust operation pasado alauna ng madaling araw kung saan ay unang nahulian ng isang sachet ang suspek sa nasabing buy bust operation.

Subalit nang kapkapan ito ay nakuhanan pa ito ng apat ns sachet pa ng hinihinalang shabu.
Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments