CONSTRUCTION WORKER, NASAWI MATAPOS MAKURYENTE HABANG NAGTATRABAHO SA ILOCOS NORTE

Nasawi ang isang 30-anyos na construction worker matapos makuryente habang nagkakabit ng street solar light post sa kahabaan ng Batac-Paoay Road sa Brgy. Tabug, Batac City, Ilocos Norte.

Kinilala ang biktima na isang 30 anyos na lalaki, residente ng Pinili, Ilocos Norte.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Batac City Police Station, aksidenteng nasagi at naputol ng poste ang isang three-phase primary line ng kuryente. Tumama ang putol na linya sa paa ng biktima, dahilan ng kanyang agarang pagkakakuryente.

Agad siyang isinugod sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Kaugnay nito, nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad, nagbigay ng traffic control sa lugar, at nakipag-ugnayan sa Ilocos Norte Electric Corporation-Batac para sa agarang pagkukumpuni ng linya ng kuryente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments