CONSTRUCTION WORKER, NASUKOL SA PAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA

CAUAYAN CITY- Tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ang isang lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation sa Purok Nieto Brgy. Batal, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Juan”, 32-anyos, at residente ng Cordon, Isabela.

Narekober sa kanya ang isang (1) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, cellphone, at motorsiklo.


Dinala si alyas “Juan” sa himpilan ng Santiago City Police Office Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon at mahaharap sa kasong paglabaga sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments