Patay ang isang bente anyos na construction worker matapos itong mahulog mula sa ginagawang building ng Pangasinan State University sa Bayambang.
Ang biktima ay kinilalang si Joseph Benitez residente ng bayan ng Binmaley.
Naganap ang aksidente pasado alas dose ng tanghali habang binabagtas nito ang scaffoldings ng ginagawang building ng madulas ito at mahulog mula sa itaas na may tinatayang aabot sa Dalawampung metro at tumama sa sahig.
Nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan ng mga kasamahan nito subalit namatay din habang ginagamot. |ifmnews
Facebook Comments