Construction Worker, Patay matapos Malunod sa Addalam River

Cauayan City, Isabela- Natagpuan na ang bangkay ng isang construction worker matapos ang isinagawang search and retrieval operation ng naiulat itong nalunod bandang alas-8:10 nitong Sabado, Oktubre 2, 2021 sa nasasakupan ng Addalam river, Brgy. Palacian, Aglipay, Quirino.
Kinilala ang biktima na si Jerome Liquiran, 21-anyos at residente ng Aurora West, Diffun, Quirino.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay PSSg. Joefrey Reyes ng PNP Aglipay, umaga noong sabado ng makatanggap ng tawag sa telepono ang pulisya kaugnay sa isang binata na tinangay ng malakas na agos mula sa ilog ng gawin nitong kunin ang mga gamit hanggang sa tangayin ito ng rumaragasang tubig bunsod ng walang patid na ulan.

Kaninang umaga, Oktubre 4, 2021 ng matagpuan ang palutang-lutang na katawan ng biktima sa gilid ng ilog na sakop ng Brgy. Barangcuag, Jones, Isabela.


Tinatayang nasa 5-10 kilometro ang haba ng ilog bago natagpuan ang bangkay nito.

Nagtulong-tulong na ang mga tauhan ng MDRRMO Aglipay, Municipal Fire Station-Aglipay, at Barangay Officials sa nangyaring insidente ng pagkalunod.

Sa kasalukuyan ay naiuwi na ang labi ng biktima sa kanilang tahanan at labis ang hinagpis ng kanyang pamilya sa nangyaring pagkalunod.

Facebook Comments