Construction worker, patay matapos pagbabarilin sa Quezon City

Quezon City – Patay ang isang construction worker matapos pagbabarilin sa Barangay Bahay Toro, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Nestor Mangahas, 42-anyos.

Nagpaalam lamang ang biktima sa kanyang asawa na lalabas ito para makipagkita sa kanyang kakilala.


Ilang saglit matapos umalis ang biktima sa kanilang bahay ay mayroong isang concerned citizen ang tumawag sa mga pulis at kaanak ng biktima para ipagbigay alam na mayroon siyang nakitang riding in tandem na bumaril kay Mangahas.

Nagtamo ng tama ng bala sa likod ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Lumalabas na isang Marlon ang huling katext ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments