Construction worker, patay matapos paghahampasin ng matigas na bagay sa mukha

Mandaluyong City – Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagpapaluin ng matigas na bagay sa Barangay Daang Bakal, Mandaluyong City.

Kinilala ang biktima na si Sonny Rose, 46-anyos, isang construction worker at residente ng Tondo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, papauwi na sana ang biktima galing sa inuman sa lugar kung saan ito nagtatrabaho.


Pinaniniwalaang hinampas ito ng matigas na bagay dahil sa tindi ng pinsala nito sa mukha.

Sa ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya ang katrabaho nitong si Cesar Mangahas na una nang nakita ng mga saksi sa crime scene na may bitbit na bakal.

Facebook Comments