Construction worker, patay matapos salpukin ng SUV sa Malabon

Patay ang isang lalaki matapos mabundol ng SUV sa kahabaan ng Barangay Acasia sa Malabon City.

Sa ulat, bibili lang sana sa katabing tindahan ng pinagtatrabahuhan niyang construction site ang biktimang si alyas “Lando” nang bigla siyang salpukin ng Ford Territory na may plakang CAX-4822.

Bago ito, pagewang-gewang na umano sa kalsada ang kotse.


Sa lakas ng impact, tumilapon pa sa isang poste ang biktima.

Nadamay rin sa aksidente ang isang motorsiklo at isang jeep.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Facebook Comments