Construction Worker, Patay nang Malunod sa Pool!

177

*Cabatuan, Isabela- *Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang construction worker matapos na malunod sa isang resort pasado alas nuebe kagabi sa Brgy. Del Pilar Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Noel Duron, 45 anyos, biyudo, tubong Makabiso, Sultan Mastura, Maguindanao na kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Del Pilar, Cabatuan, Isabela.


Batay sa impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), lumabas sa imbestigasyon ng PNP Cabatuan na nagtungo ang biktima sa isang resort kasama ang kanyang mga kainuman at nang makaubos ng maraming bote ng alak ay lumusong ito sa pool kasabay ng malakas na buhos ng ulan.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita na lamang ng kanyang kasamahan ang nakalutang nitong katawan na hinihinalang nalunod.

Isinugod pa ang biktima ng kanyang mga kasamahan sa pagamutan subalit idineklara din na Dead on Arrival (DOA) ng kanyang attending physician.

Facebook Comments