Construction worker, pinagbabaril patay

52

Pasay – Patay ang isang construction worker matapos pag babarilin sa Tramo St. Brgy 48 Zone 6 Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Rolando Almojela Residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa nanay ng biktima lumabas lang ng bahay ang biktima kasama ang 8 taong gulang na anak para magpahangin.

Dito na dumating ang 3 motorsiklo sakay ang 6 na suspek at malapitang binaril si Rolando.

Tatlong putok ng baril ang narinig bago tumakas ang mga gunman.

Isang karatula ang iniwan na may nakasulat na marami pa ang susunod na umiwas na kayo sa droga.

Aminado ang pamilya na gumagamit at nag bebenta ng iligal na droga ang biktima pero tumigil na daw ito.

.

Facebook Comments