CONSTRUCTION WORKER SA LA UNION, ARESTADO SA KASONG PANG-AABUSO SA MENOR DE EDAD

Arestado ang isang construction worker sa La Union dahil sa nakabinbing kaso ng pang-aabuso sa menor de edad na walang piyansa sa korte.

Isinagawa ang pag-aresto sa suspek sa Brgy. Suyo, Bagulin, La Union bandang 8:40 ng umaga kahapon, Disyembre 9, 2025.

Ayon sa Bagulin Police Station, ang suspek ay 34-anyos na residente ng Brgy. Bimmotobot, Naguilian, La Union, at may outstanding warrant of arrest para sa paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act (RA 7610).

Mananatili ito sa kustodiya ng pulisya habang hinihintay ang commitment order papunta sa Bureau of Jail Management and Penology.

Facebook Comments