𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗕𝗨𝗚𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗔𝗧 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗚𝗔𝗡𝗚

Patay ang Isang singkwentay siyete anyos na construction worker matapos itong pinagtulungang bugbugin ng sariling anak at mga manugang sa bayan ng Mangaldan.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang pambubugbog pasado alas onse ng Gabi habang umiinum ang ama sa kanilang lugar at nag iinuman ang mga suspek sa kabilang mesa nang komprontahin ng anak ang biktima dahil umano sa pagkakaroon nito ng karelasyong ibang babae.
Nagka initan ang mag ama hanggang sa kumuha ng kahoy ang anak at hinampas sa ulo ang kanyang ama.

Imbes na umawat, tinulungan pa di umano ng mga bayaw nito na pagbubugbugin ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Naisugod naman agad sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang Dead on Arrival habang naaresto naman ng mga otoridad ang mga suspek matapos ang follow up operation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments