Construction Worker sa Ramon, Isabela, Sinaksak ng Sariling Pamangkin!

*Ramon, Isabela-* Kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng kapulisan ang suspek na nanaksak sa kanyang sariling tiyo kamakailan sa Brgy. Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Kinilala ang suspek at pamangkin ng biktima na si Jomarie Gudia, disi nuebe anyos habang ang biktima naman ay kinilalang si Leonardo Mauro, trentay nuebe anyos at pawang mga residente ng nasabing lugar.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan sa PNP Ramon, lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na nakaupo umano ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang mapadaan ang suspek na umanoy lango sa alak at ng pauwiin ng biktima ang suspek ay bigla na lamang itong sinaksak sa tagiliran ang biktima.


Agad umanong tumakas ang suspek at dinala naman sa pagamutan ang biktima na ngayon ay nasa maayos ng kalagayan.

Sa ngayon ay inihahanda na ng PNP Ramon ang kasong Less Serious Physical Injury laban kay si Jomarie Gudia.

Facebook Comments