Construction Worker sa Santiago City, Arestado sa Buy Bust Operation

Arestado ang isang construction worker matapos itong nagbenta ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation sa brgy. Buenavista Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Ronel Daco, 25 anyos may asawa at residente ng brgy. Dubinan East Santigo City.

Batay sa report ay nasa target list umano ng PDEA ang pangalan nito at minamanmanan ng mga otoridad sa pagbebenta ng iligal na droga.


Nakakuha naman ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at 3000 pesos na ginamit bilang buy bust money.

Sa ngayon ay nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA. 9165 o comprehensive dangerous drugs act.

Facebook Comments