Construction Worker, Sugatan matapos maaksidente!

City of Ilagan, Isabela – Sugatan ang isang lalaki matapos mawalan ng control sa pagmamaneho lulan ng kanyang motorsiklo alas otso kagabi partikular sa pambansang lansangan ng Brgy. San Isidro, City of Ilagan, Isabela

Kinilala ang biktima na si Gerald Corpuz Balmes, bente nueve anyos, may asawa, construction worker at residente ng Brgy. Tangcul, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, habang binabaybay ni Balmes ang nasabing lansangan papuntang North direction nang mawalan ng control sa steering bar sa palikong daanan na pinangyarihan ng insidente.


Nirespondehan agad ng Rescue Team at dinala sa pinakamalapit na pagamutan para sa karampatang lunas matapos magtamo ng matinding pinsala sa katawan.

Napag-alaman ng mga otoridad na positibo sa alak si Balmes habang nagmamaneho.

Dinala na sa himpilan ng PNP Ilagan ang motorsiklo ng biktima para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments