Construction Worker, Timbog Matapos Mahulian ng Marijuana!

23

Gamu, Isabela- Timbog ang isang construction worker matapos makuhanan ng marijuana pasado ala una kanina Agosto 12, 2018 sa Brgy. District 3, Gamu, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Rocky Cagabi, 26 anyos, walang asawa, construction worker at residente ng Dammano, Gamu, Isabela.

Batay sa natanggap na impormsyon ng RMN Cauayan, lasing umano ang suspek ng magtungo sa bahay ng kanyang tiyuhin na si Rogelio Cagabi kung saan ay pinagbantaan pa niyang patayin ito maging ang kanyang pamilya.

Dahil dito ay tumawag umano ng tulong ang tiyuhin nito sa kanilang kapitan ngunit binato pa ito ni Cagabi ang naturang opisyal kaya’t inaresto ito at dinala sa himpilan ng PNP Gamu.

Samantala, ng kapkapan naman ito ng kapulisan ay nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang isang tuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa isang plastic na nakalagay sa pakete ng sigarilyo at isa pang stick ng sigarilyo.

Ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Gamu ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at kaparusahan.

Facebook Comments