Construction Worker, Timbog sa apat na beses na Panggagahasa sa Menor de Edad

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang binata matapos isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest nito bandang 9:15 kahapon ng umaga sa Brgy. Mananao, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Rico Laban Jr., 26-anyos, isang construction worker at residente ng Brgy. Casigayan, Tabuk City, Kalinga.

Inaresto ng piangsanib na pwersa ng Tabuk CPS, RDEU, 1503rd MC RMFB 15, CIDG Kalinga, PIB Kalinga, RID PROCOR at RIU 14 ang akusado dahil sa pag-aakusang ginahasa nito ang isang menor de edad.


Nagpalabas ng arrest warrant si kagalang-galang hukom Jerson E. Angog RTC, 2nd Judicial Region, Branch 25, Bulanao,Tabuk City, Kalinga para apat na counts ng kasong Rape by Sexual Assault in Relation to RA 7610.

Inirekomenda naman ng korte ang halagang P200,000 bawat kaso para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nananatili sa kustodiya ng Tabuk City Police Station ang binata para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments