Construction Worker, Timbog sa Drug Buy-bust Operation

63
Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang construction worker na itinuturing na high value target matapos umanong mahulihan ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation bandang alas-3:30 ng hapon kahapon sa Brgy. Sotero Nuesa, Roxas, Isabela.

Magkasanib pwersa ang mga tauhan ng PDEA, PNP Roxas at Police Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office na umaresto kay Alvin Santiago, 29-anyos at residente sa nabanggit na lugar.

Sa ulat ng PDEA Region 2, nakumpiskahan ang suspek ng pinatuyong dahon ng marijuana bricks, isang (1) pakete na naglalaman ng marijuana leaves na tumitimbang ng humigit kumulang 600 gramo at nagkakahalaga ng P7, 200.

Nahaharap si Santiago sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na ngayon ay nasa pangangalaga ng mga awtoridad.

Facebook Comments