CONSTRUCTION WORKER, TIMBOG SA PAGTUTULAK NG ILEGAL NA DROGA

Cauayan City – Nakorner ng kapulisan ngayong araw, ika-10 ng Nobyembre ang isang tulak ng Ilegal na droga sa Brgy. District 1, San Manuel, Isabela.

Sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-bust Operation ng mga awtoridad, nadakip ang suspek na si Alyas “Dino”, isang Construction Worker, matapos positibong mabentahan ng Ilegal na droga ang nagpanggap buyer.

Nasamsam sa suspek ang buy-bust item na isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, P1000 peso bill buy-bust money, cellphone, at motor.


Matapos ang pagmamarka at pag-iimbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya, dinala sa himpilan ng San Manuel PS ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments